Sa aming komunidad, isa sa kinakaharap na problema ay ang malimit na pagtatapon ng basura sa ilog. Ang ilog sa aming barangay ay nagmistula ng dump site ng basura at palikuran ng mga taong malapit dito. Ang mga basurang naiipon sa bawat kabahayan ay walang habas na itinatapon ng mga residente dito dahil sa malimit rin dumating ang kolektor ng basura sa aming barangay. Kung titingnan natin, ang ilog sa amin masasabi kong maraming kaakibat na epekto ito sa tao. Matinding disgrasya at panganib ang maaaring idulot nito sa kalusugan ng bawat residente.
Ang mga basurang nakatambak sa gilid ng ilog ay umaalingasaw ang amoy, pati rin ang maruming tubig na dumadaloy galing sa mga babuyan sa mga kabahayan. At dahil na rin sa maraming residente ang nagrereklamo ng mga nakakalat na basura, nagpatupad narin ng batas at palatuntunin ang aming barangay ngunit hindi parin ito sapat. Ang mga babalang inilagay sa tabi ng ilog ay hindi sinusunod ng mga residente at nagbubulagbulagan pa sa kanilang mga nakikita. Dahil narin sa marumi at grabi na ang polusyon sa tubig, pati ang mga malulusog na isdang naninirahan dito at unti-unti ng nawala.
Ang dating masaganang ilog ay napuno ng basura na naging dahilan ng pagkamatay ng mga buhay na naninirahan dito. Kung babalikan natin, ang dating malinis at malinaw na tubig at isa sa pinagkukunang pagkain o ng isda ng mga residente ay nawala sa isang iglap lamang. Dala narin ng bagsik ng kalikasan na ang tao din naman ang lahat ng pinagmulan, kaunting ulan lamang ay nagdudulot na ng matininding pagbaha na nagiging dahilan upang maalarma ang mga residente.
Ang mga opisyales ng barangay ay agad pinapayuhan ang taong malapit sa ilog upang mailayo ito sa kapahamakan.
Sa tuwing malakas ang buhos ng ulan sa barangay, ang mga residente ay agad na pinapalikas (force evacuation) upang mailayo sa panganip, na tao rin naman ang puno't dulo. Samantala, dahil sa nadaragdagan ang bilang ng mga residenteng patuloy na nagtatapon ng basura sa ilog , tumataas rin ang bilang ng mga taong nagkakasakit dahilan ng maruming kapaligiran. Ibat -ibang komplikasyon sa katawan ng residente , bata man o matanda, lahat apektado.
Sa kabila nito maaari pa tayong magagawa ng solusyon kung matututunan lang ng bawat isa ang disiplina sa sarili.
Bagamat hindi na natin maibabalik ang dating linaw at ganda nito ngunit puwede pa tayong makagawa ng maliit na bagay na malaki ang maitutulong upang maibalik sa dati ang lahat.
Dapat ang lahat ng kabahayan ay magkaroon ng sako o lalagyan (garbage bag) ng basura. Kumbaga paghihiwa-hiwalayin ang mga basura ayon sa uri nito nabubulok (biodegradable), hindi nabubulok ( non-biodegradable), at nareresiklo (recyclable). Ang mga nabubulok na basura ay maaaring gawing fertilizer sa halaman at sa iba pang mga pananim at puwede ring maghukay ng compost pit sa bakanting lote ng sa ganoon ay ang mga residente ay hindi na itatapon ang kanilang mga dumi sa ilog.
Ang mga nareresiklo naman na basura ay maaaring gawing pandekorasyon o gawing palamuti sa loob ng tahanan. Hikayatin din ang mga residente sa tulong ng iba pang opisyales ng barangay na magkaroon ng "CLEAN UP DRIVE" sa ilog. At maaari ring magsagawa ng Information Dissemination o kaya symposium upang magkaroon ng kalaaman (awareness) ang mga residente at mabuksan ang kanilang isipan sa mga posibling idulot ng maling gawain na ito kung ipagpapatuloy. Maaari ring pagmultahin ang mga residenteng mahuhuling magtatapon ng dumi sa katubigan at mag- community service bilang kaparusahan. Maaari ring hikayatin ang mga residente na magtanim ng mga punong kahoy upang maiwasan ang mga pagbaha at maibalik ang preskong hangin dito.
Sa kabuuan, sa pamamagitan ng mga aktibidad na iyan , maaaring maibsan ang mga taong patuloy na sumisira ng kalikasan. Maaaring sa tulong nito mabubuksan ang mga isipan ng mga tao at makiisa sa layuning ito. Kaya huwag nating sirain ang kalikasan , matutunan nating magkaroon ng disiplina sa sarili at maging responsableng mamamayan. Tandaan, na kung gusto natin ng malaking pagbabago dapat sa sarili mismo natin ito magsisimula. Kung uupo lang tayo at walang gagawin, lahat ng bagay sa paligid natin ay mapapariwara. Kaya habang maaga pa , matuto tayong igalaw ang ating mga kamay at paa tungo sa pagbabago.
Sabi nila masarap raw sa pakiramdam kapag unang pasukan sa lalo na sa senior high school, anong masasabi niyo? Bagong bag, uniporme, sapatos, notebook, cellphone at kung anu-ano pa. Lahat bago sa paningin, bagong mukhang nagpapahiwatig ng ibat- ibang damdamin at emosyon . Bagong guro, kaklase, crush, at kapaligiran. Sa totoo lang since lahat bago yung nasa paligid mo , kailangan ikaw mismo yung mag -a- adjust para sa kanila. Minsan pati galaw mong ipinapakita nakadepende rin sa taong kaharap mo diba? Aminin man natin sa hindi pero sa una talaga hindi mo maiwasang kabahan, hindi natin alam kung bakit pero siguro ganoon talaga kapag perstaym. Siguro sa una nakakapanibago at nakaka kaba pero sa tingin ko normal lang naman yan sa pakiramdam.
Pagbaba ko palang sa tapat ng gate ng aming paaralan ay ramdam ko na ang tensyion at magkahalu- halong emosyon tulad ng kaba at takot. Hindi ko alam kong bakit pero siguro wala akong ideya kung sino- sino ang magiging kaklase ko, di ko rin kung may magiging kaibigan ba ako, di ko rin alam kong mahigpit at masungit ba ang magiging guro namin. Lahat ng tanong na yan sumasagi sa isipan ko sa pag tungtong ko palang ng gate. Pero kahit gano'n yung pakiramdam, excited pa rin dahil iniisip ko na dito sa paaralang ito ako magsisimula ng unang hakbang para tuparin ang mga pangarap ko.
Aaminin ko na sa umpisa takot na takot talaga ako dahil hindi ko alam yung mga subjects tapos nag -aalinlangan din ako kung makakayanan ko bang ipasa ang mga ito. Lalo na sa math hindi ko alam kong makakayanan ko ang mga komplikadong mathematical equation. Grabi talaga ang buhay sa Senior high school, isipin mo may mga subject na puro memorization yung kailangan. Yung tipong may subject din na hindi ka naman singer pero magpapakasinger ka, magpapakadancer ka, tapos isipin mo sasayawin niyo yung ibat-ibang uri ng sayaw, hip hop, contemporary, modern, cha-cha, festival dances at kung anu ano pa.
Bagamat hindi man naging madali ang halos dalawang taon ko sa Senior high school ngunit masasabi kong naging instrumento ito upang matuklasan ko pa ang aking mga kakayahan at pagbutihin ang mga ito. Kahit may mga pagkakataong akoy nadarapa pinipilit ko pa din na bumangon dahil dito ako natuto kung pano magpakatatag sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Dito ko rin naranasan na magkaraon ng pamilya, ang mga kaibigan ko na naging kasa-kasama ko sa mahabang paglalakbay na ito. Kahit minsan may pagkakataong na naiinis din ako sa kanila lalo na kapag hindi ako nakakapag-concentrate dahil sa kadaldalan nila, isipin mo sino ba naman ang makakapag- focus kong sa classroom niyo may nag -gigitara, may sumasayaw at kumakanta.
Yung tipong sa bawat kanto ng classroom may iba-ibang mundo. Sa classroom namin masasabi kong bawat estudyante ay may kanya-kanya kuwento at kahinahaan. Ibig kong sabihin, bawat ngiti at halakhak ng bawat isa ay may nakatangong luha na bahid ng madilim na karanasan at nakaraan. Itinatago lamang ito sa likod ng matatamis na ngiti.
Kaya naman dito sa PIO DURAN NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL, marami akong mga ala-alang hinding-hindi ko malilimutan, mga karanasang nakatatak sa puso ko't isipan. Ipinapangako kong babaunin ko ito saan man makarating ang aking mga paa. Bagamat marami na kaming napagdaanan at nalagpasang mga pagsubok sa institusyong ito, masasabi kong napakasuwerte pa rin namin dahil naging parte kami ng paaralang ito na humubog sa aming pagkatao. Kaya naman matamis na pasasalamat ang handog ko sa inyong lahat na nagbahagi ng kanilang kaalaman at walang sawang pag - unawa sa aming kakulitan. Sa buhay na ito, isang bagay lamang ang aking natutunan na dapat maging masaya tayo sa kabila ng mga pagsubok na dumaraan. Sa yugtong ito, marami tayong natutunang bagay na makakatulong sa atin upang magtagumpay tayo sa huli. Natural lang na bago natin makamtan ang mga bagay na gusto natin, kailangan muna natin itong paghirapan at pagsikapan.
Sa bawat galaw natin ay may ibat-ibang bungang maaaring mangyari, kaya kung gusto natin magtagumpay, kailangan dumaan muna tayo sa mahaba-habang paglalakbay upang malaman natin kung ano ang pakiramdam kapag nakuha o nakamtan na ang bagay na labis mong pinaghirapan. Kaya masasabi kong "Senior high School is the best teacher!"Dahil hindi mabibilang ang mga aral na natutunan ko sa bawat agos ng buhay. Ang mga bagay na nagtulak sa akin na kayanin at harapin ang bawat hamon at laro ng buhay. Kaya hindi ako nagsisisi na dumaan ako sa ganitong yugtong dahil iminulat nito ang mga mata ko sa tunay na ganda at hiwaga ng buhay ng tao.
Noong pumasok ako dito sa Pio Duran National High
School Senior High School (PDNHS-SHS) akoy isang tahimik at simpleng mag -aaral lamang , mahiyain sa una at takot makihalubilo sa iba , wala naman akong sakit para iwasan at kamuhian ng iba sadyang ayaw ko lang talaga makisalamuha dahil wala sa bukabularyo ko dati ang makipagkaibigan dahil sanay akong mag-isa at manahimik sa isang sulok. Hanggang isang araw, hindi ko inasahan na sa isang iglap ang mahiyaing ako ay nabago sa tulong ng mga bagong kong nakilalang kaibigan.
Hindi ako makapaniwala na nagkaroon ako ng kaibigan na higit pa sa hinahangad ko.
Dahil sa kanila malaki ang pinagbago ko. Ang dating mahinhin at mahiyaing mag-aaral ay naging maingay sa loob ng classroom, nagkaroon ng kompiyansa sa sarili ,naging magiliw at masiglang mag-aaral .
Kaya masasabi kong isa ako sa pinaka maswerteng mag-aaral dito sa PDNHS-SHS dahil nagkaroon ako ng mga abnormal at masasayahing kaibigan. Sa tuwing akoy lumuluha sila ang naging sandalan ko.
Sila ang naging kasa-kasama ko sa kadramahan man at sa kalokohan. Kaya labis labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya lang ako biniyayaan ng mapagmahal at masayang pamilya kundi pati maalaga at mababait na kaibigan. Masasabi kong ang mga ala-alang ibinahagi ninyo sa akin ay babaunin ko saan mang sulok ako magpunta.
Itatanim ko sa pusot isipan ang mga bagay na itinuro ninyo sa akin , ipinapangako kong mananatili ang bawat pangalan ninyo sa isipan ko. Salamat sa walang sawang pakikinig sa mala-novelang istorya ng buhay ko, salamat sa mga panyong ipinahiram ninyo sa tuwing lumuluha ako, salamat sa mga pang-aasar at kalulitan ninyo.
Nais kong malaman ninyo na isa kayo sa insperasyon ko sa bawat hakbang na tinatahak ko.
Bukod sa mga naging kaibigan at kasamahan ko dito sa PDNHS-SHS gusto ko rin magpaabot ng pasasalamat sa mga guro na walang sawang sumusuporta sa bawat tagumpay. Sa inyong sipag at tiyaga maturuan lamang kami , kahit hirap na hirap na kayo sa pag tuturo at pag-iintindi sa amin, hindi parin kayo sumusuko. Sa aming mga guro dito sa PDNHS-SHS kayo ang nagsilbing pangalawang magulang namin sa loob ng dalawang taon. Hindi kayo napapagod na gumabay sa anumang hakbang na tinatahak namin at kayo rin ang nagsilbing sandalan sa tuwing kamiy may pinagdadaanan at humarap sa mabigat na sitwasyon. Kahit isa kayo sa mga nagbibigay ng malaking pagsubok sa amin sa pamamagitan ng pagbibigay ng napakarami-raming proyekto at gawain ay sa kabila nito pinapasalamatan parin namin kayo dahil malaki ang naiambag ninyo na kaalaman at karanasan sa aming buhay. Kayo ang humubog at isa sa bumuo ng aming pagkatao. Isa rin kayo sa nagbigay ng importansya sa aming talento na naging dahilan upang mas lalo pa namin itong pagyamanin at palawakin at magsilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Sa mga taong naging mahalaga sa akin sa taong 2018-2019 nais kong malaman ninyo na kahit anong mangyari ay mananatiling buhay ang mga alaalang iniwan at ibinahagi niyo sa akin. Kahit may mga pagkakataong nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan at tampuhan sa isat-isa, hindi ito naging hadlang upang sirain ang ating mga pinagsamahan bagkos ito ang dahilan kung bakit nanatiling matatag ang ating pinagsamahan.
Kaya sa pagdating ng araw na tayo ay magkakahiwalay at isasakatuparan ang mga binuong pangarap, huwag nating kalimutan ang bawat isa. Huwag nating ibaon sa limot ang lahat ng magagandang alaala bagkos ay baunin natin ang mga ito hanggang sa pagdating ng panahon na tayo ay matanda na. Nawa'y matupad natin ang ating mga pangarap sa buhay at masuklian ang paghihirap ng ating mga magulang.
.
.
I know this might come as a surprise but over the years we've both experienced a great happiness, strong havoc, facing those curvy highways and obstacle courses and it was all worth it since you've always there to holds my hands and face how heavy a storm does. We can never avoid ourself from getting hurt, there will always be stumbles, fall, wrong turns, narrow and straight path but you serve as my cignal light to picture everything positively.
Future self, my intention is to bolster you with all the support and love you will need for the next 365 blank pages of my life. You are the pen who writes my stories and I considered you as the makers of my destiny, so keep on holding on because I trust so much to you that you'll help me with no limitless. Raise your energy so that you could fill and make the best chapter ever.
May the God comfort you after a tiring and sleepless days, I hope His your abode after your battles, wipe your tears and put smile back on your faces. May the God be the source of your happiness that will give to you the unmeasurable wisdom and peace.
Future self, I'm hoping that your not living your life with lies and regret. I hope you've done the best decision that could lead you to the most meaningful days of your life. I know that your today's living gives you hundreds reason to cry but one thing you should bear in your mind that you have the thousands reasons to show your most beautiful curve on your face.
Maybe today is the most unbearable moment of your life and there are cignals that were telling you to slow down and give up especially when you distraught in pain but you just got to pay attention with those cignal then keep your head held high, just keep on believing that wisdom will take you to the right path and destination.
I know your scared, confuse, doubtful and irresolute yet still fighting for your dreams. I know its never easy as what others think, but trust me,you can do it. I know couple of times that a lot of people judge you for who you are but let them think what they wanted to think about, you don't have to be perfect, you just have to be true to your self.
Future self, I know you have many confusion to your inner self, cried a lot and prayed in tears but I hope you've reach the dreams I've praying for along time since the days when you were still young. I want to take good car of your self. Cherish and treasure every moment because every single thing could be the last.
I wish your success in your journey. You have to work on the things you've once thought that is impossible to reach out and let everybody knows that your much stronger than yesterday.
Don't lose hope, someone right there were waiting to reap the fruit of your success and be strong since you have to pay back all the sacrifices of your love ones. Let them see you victory in the end, wearing black-colored toga as a symbol of hardships they had sacrifice to you. You have to face things with pure and solid dedication as well as willingness for you to be successful in your future journey.
I hope you could draw and write the best story of your life in the near future. Remembered that "LIFE IS A GAME OF CHANCE". You never knew when you were lose and when you gain victory. So, take care and reserve more energy.
Marami ang nagsasabi na mahirap raw ang buhay ng GAS students at hindi kayo nagkakamali, sinasabi ko sa inyo mismo na doble - double ang pasanin naming mga estudyante dahil tambak mga paper works na pinagpupuyatan namin buong gabi. Ang hirap pagsabaysabayin ang mga bagay ba hindi mo alam kung anong uunahin. Nakakahilo at nakakalito narin minsan dahil sa sangkatutak na project at assignments na kailangan e-submit sa araw araw. Minsan nga naiinis ako sa sarili ko dahil pati katawan ko hindi na nakikisama pero kahit papaano, kinakaya pa naman.
Minsan, tinatanong ko rin ang sarili ko kung "kaya pa ba?" Tanong na naiinis ako ng sobra, naiiyak ako dahil minsan hindi ko na kaya, minsan iniisip ko n tama na, dahil minsan hindi ko na kaya, minsan iniisip ko na tama na, dahil ang hirap talaga.
Aaminin ko na kahit mahirap at maraming pagsubok sa yugtong ito, naniniwala pa rin ako na malalalagpasan ko rin ang mga pasaning ito. Kahit may mga pagkakataong na hindi na ako nakakapag-isip ng mabuti dahil sa sobrang stress at sa dami ng mga iniisip na naghahalu-halo na sa utak ko pero lahat ng iyan at tinitiis ko dahil ito ang pinili kong buhay, ito ang buhay na ginusto kong tahakin, kaya kahit mahirap kailangang tiisin at paghirapan dahil sa bandang huli may maidudulot pa rin itong bunga.
Tama! mahirap ang buhay ng GAS students pero mas mahirap kapag wala kang pinag-aralan. Normal lang naman na makaranas ng hirap sa pag-aaral diba? parte na iyan ng buhay ng tao. Andiyan na yung papasok ka ng paaralan tapos wala kang sapat na baon, minsan kailangan mo pang maglakad para makapasok ka lang sa paaralan. May mga pagkakataon din na makikipagpatentiro ka sa sama ng panahon o kaya nama'y tatawid sa malakas na agos ng baha kasama mo yung kapwa mo rin estudyanteng nais makapagtapos kahit mahirap ang buhay. Aminin man datin sa hindi pero mahirap kapag ganito ang sitwasyon diba?
Sa tuwing gagawa ka ng takdang aralin tapos wala kang maayos na ilaw gamit lang ang isang maliit na flashlight at gasera na magsisilbing liwanag sa madilim na gabi. Sino ba naman ang estudyanteng ito na gagawin ang lahat makapag-aral lamang? Yung estudyanteng hindi nagpapatinag sa hirap ng buhay, at yung estudyanteng hindi iniinda ang estado o katayuan sa buhay makapag-aral lang. Masasabi kong ako ito. Oo!, para sa akin gaano man kalaki ang pasaning dinadala ko sa araw- araw na pagpasok ko sa paaralan, laban pa rin. Kahit maraming pagsubok ang dumadating, dapat huwag agad susuko.
Ang buhay ng estudyante ay sadyang hindi madali tulad ng iniisip ng iba, may ibat-ibang istorya sa bawat imahe at ngiti ng bawat mag-aaral.
Sa yugtong ito, madalas tayong lumuluha dahil iniisip natin na hindi na natin kaya ang mga suliraning dumadating sa ating buhay ngunit lagi nating tatandaan na huwag tayong matakot na harapin ang bawat pagsubok na ito dahil mas napapatibay nito ang relasyon natin sa kapwa at sa Diyos. Bagamat araw-araw tayong hinahamon ng pagkakataon maging sa pamilya man ito o kaya naman sa paaralan.
Bilang isa sa mga mag-aaral na kumuha ng strands na GAS, nakaka- stress talaga kapag narinig ko ang thesis revision, long at short quiz, exam, random graded recitation, reporting, group work at kung ano-ano pa.
Sa kabuuan, kahit gaano pa man kalalim ang ilog na kailangan kong tawirin, susubukan ko pa rin, kahit ilang graded recitation pa ang kailangan kong sagutin, kakayanin ko pa rin, kahit ilang long at short pa ang kailangan kong sagutin, gagawin ko pa rin. Walang tulog, puyat, eye bags, kaya yan! Stress, natural na yan!.
At ngayon, ilang buwan na lang ay nalalapit na ang araw na pinakahihintay nating lahat ang "ARAW NG PAGTATAPOS". Inaalala natin dito ang mga pagsubok at tulay na dinaanan upang maabot ang pangarap na ito. Ang mga araw na naging mahina tayong harapin ang bawat hamon ng buhay ngunit ngayon, tanaw na tanaw at ramdam ko na ang unti- unti ko ng naisasakapaturan ng aking mga mithiin sa buhay. Subalit, bagamat ito ang pinakamasayang araw nating lahat, kaakibat pa rin nito ang lungkot sa isipan ng bawat isa. Masaya tayo dahil magsusuot na tayo ng itim na togang bunga ng paghihirap at pagsusumikap ng ating mga magulang ngunit malungkot naman dahil magpapaalam na tayo sa mga taong naging kasama natin sa yugtong ito ng ating buhay.
Sa kabila nito, lagi nating tatandaan na hindi pa ito ang huling yugto ng ating buhay kumbaga itoy simula pa lamang. Kaya pakatatag lang tayo dahil sa huli'y magtatagumpay din tayo at matutupad ang mga pangarap na inaasam.