Saturday, March 9, 2019

"Hirap na naranasan, ginhaway nakamtan"

       




              Sabi nila masarap raw sa pakiramdam kapag unang pasukan sa lalo na sa senior high school, anong masasabi niyo? Bagong bag, uniporme, sapatos, notebook, cellphone at kung anu-ano pa. Lahat bago sa paningin, bagong mukhang nagpapahiwatig ng ibat- ibang damdamin at emosyon . Bagong guro, kaklase, crush, at kapaligiran. Sa totoo lang since lahat bago yung nasa paligid mo , kailangan ikaw mismo yung mag -a- adjust para sa kanila. Minsan pati galaw mong ipinapakita nakadepende rin sa taong kaharap mo diba? Aminin man natin sa hindi pero sa una talaga hindi mo maiwasang kabahan, hindi natin alam kung bakit pero siguro ganoon talaga kapag perstaym. Siguro sa una nakakapanibago at nakaka kaba pero sa tingin ko normal lang naman yan sa pakiramdam. Pagbaba ko palang sa tapat ng gate ng aming paaralan ay ramdam ko na ang tensyion at magkahalu- halong emosyon tulad ng kaba at takot. Hindi ko alam kong bakit pero siguro wala akong ideya kung sino- sino ang magiging kaklase ko, di ko rin kung may magiging kaibigan ba ako, di ko rin alam kong mahigpit at masungit ba ang magiging guro namin. Lahat ng tanong na yan sumasagi sa isipan ko sa pag tungtong ko palang ng gate. Pero kahit gano'n yung pakiramdam, excited pa rin dahil iniisip ko na dito sa paaralang ito ako magsisimula ng unang hakbang para tuparin ang mga pangarap ko. 
                 Aaminin ko na sa umpisa takot na takot talaga ako dahil hindi ko alam yung mga subjects tapos nag -aalinlangan din ako kung makakayanan ko bang ipasa ang mga ito. Lalo na sa math hindi ko alam kong makakayanan ko ang mga komplikadong mathematical equation. Grabi talaga ang buhay sa Senior high school, isipin mo may mga subject na puro memorization yung kailangan. Yung tipong may subject din na hindi ka naman singer pero magpapakasinger ka, magpapakadancer ka, tapos isipin mo sasayawin niyo yung ibat-ibang uri ng sayaw, hip hop, contemporary, modern, cha-cha, festival dances at kung anu ano pa. Bagamat hindi man naging madali ang halos dalawang taon ko sa Senior high school ngunit masasabi kong naging instrumento ito upang matuklasan ko pa ang aking mga kakayahan at pagbutihin ang mga ito. Kahit may mga pagkakataong akoy nadarapa pinipilit ko pa din na bumangon dahil dito ako natuto kung pano magpakatatag sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Dito ko rin naranasan na magkaraon ng pamilya, ang mga kaibigan ko na naging kasa-kasama ko sa mahabang paglalakbay na ito. Kahit minsan may pagkakataong na naiinis din ako sa kanila lalo na kapag hindi ako nakakapag-concentrate dahil sa kadaldalan nila, isipin mo sino ba naman ang makakapag- focus kong sa classroom niyo may nag -gigitara, may sumasayaw at kumakanta. 
                Yung tipong sa bawat kanto ng classroom may iba-ibang mundo. Sa classroom namin masasabi kong bawat estudyante ay may kanya-kanya kuwento at kahinahaan. Ibig kong sabihin, bawat ngiti at halakhak ng bawat isa ay may nakatangong luha na bahid ng madilim na karanasan at nakaraan. Itinatago lamang ito sa likod ng matatamis na ngiti. Kaya naman dito sa PIO DURAN NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL, marami akong mga ala-alang hinding-hindi ko malilimutan, mga karanasang nakatatak sa puso ko't isipan. Ipinapangako kong babaunin ko ito saan man makarating ang aking mga paa. Bagamat marami na kaming napagdaanan at nalagpasang mga pagsubok sa institusyong ito, masasabi kong napakasuwerte pa rin namin dahil naging parte kami ng paaralang ito na humubog sa aming pagkatao. Kaya naman matamis na pasasalamat ang handog ko sa inyong lahat na nagbahagi ng kanilang kaalaman at walang sawang pag - unawa sa aming kakulitan. Sa buhay na ito, isang bagay lamang ang aking natutunan na dapat maging masaya tayo sa kabila ng mga pagsubok na dumaraan. Sa yugtong ito, marami tayong natutunang bagay na makakatulong sa atin upang magtagumpay tayo sa huli. Natural lang na bago natin makamtan ang mga bagay na gusto natin, kailangan muna natin itong paghirapan at pagsikapan.
               Sa bawat galaw natin ay may ibat-ibang bungang maaaring mangyari, kaya kung gusto natin magtagumpay, kailangan dumaan muna tayo sa mahaba-habang paglalakbay upang malaman natin kung ano ang pakiramdam kapag nakuha o nakamtan na ang bagay na labis mong pinaghirapan. Kaya masasabi kong "Senior high School is the best teacher!"Dahil hindi mabibilang ang mga aral na natutunan ko sa bawat agos ng buhay. Ang mga bagay na nagtulak sa akin na kayanin at harapin ang bawat hamon at laro ng buhay. Kaya hindi ako nagsisisi na dumaan ako sa ganitong yugtong dahil iminulat nito ang mga mata ko sa tunay na ganda at hiwaga ng buhay ng tao.

No comments:

Post a Comment