Saturday, March 9, 2019
Mahabang paglalakbay, tagumpay sa huli makakamtan
Marami ang nagsasabi na mahirap raw ang buhay ng GAS students at hindi kayo nagkakamali, sinasabi ko sa inyo mismo na doble - double ang pasanin naming mga estudyante dahil tambak mga paper works na pinagpupuyatan namin buong gabi. Ang hirap pagsabaysabayin ang mga bagay ba hindi mo alam kung anong uunahin. Nakakahilo at nakakalito narin minsan dahil sa sangkatutak na project at assignments na kailangan e-submit sa araw araw. Minsan nga naiinis ako sa sarili ko dahil pati katawan ko hindi na nakikisama pero kahit papaano, kinakaya pa naman. Minsan, tinatanong ko rin ang sarili ko kung "kaya pa ba?" Tanong na naiinis ako ng sobra, naiiyak ako dahil minsan hindi ko na kaya, minsan iniisip ko n tama na, dahil minsan hindi ko na kaya, minsan iniisip ko na tama na, dahil ang hirap talaga.
Aaminin ko na kahit mahirap at maraming pagsubok sa yugtong ito, naniniwala pa rin ako na malalalagpasan ko rin ang mga pasaning ito. Kahit may mga pagkakataong na hindi na ako nakakapag-isip ng mabuti dahil sa sobrang stress at sa dami ng mga iniisip na naghahalu-halo na sa utak ko pero lahat ng iyan at tinitiis ko dahil ito ang pinili kong buhay, ito ang buhay na ginusto kong tahakin, kaya kahit mahirap kailangang tiisin at paghirapan dahil sa bandang huli may maidudulot pa rin itong bunga.
Tama! mahirap ang buhay ng GAS students pero mas mahirap kapag wala kang pinag-aralan. Normal lang naman na makaranas ng hirap sa pag-aaral diba? parte na iyan ng buhay ng tao. Andiyan na yung papasok ka ng paaralan tapos wala kang sapat na baon, minsan kailangan mo pang maglakad para makapasok ka lang sa paaralan. May mga pagkakataon din na makikipagpatentiro ka sa sama ng panahon o kaya nama'y tatawid sa malakas na agos ng baha kasama mo yung kapwa mo rin estudyanteng nais makapagtapos kahit mahirap ang buhay. Aminin man datin sa hindi pero mahirap kapag ganito ang sitwasyon diba? Sa tuwing gagawa ka ng takdang aralin tapos wala kang maayos na ilaw gamit lang ang isang maliit na flashlight at gasera na magsisilbing liwanag sa madilim na gabi. Sino ba naman ang estudyanteng ito na gagawin ang lahat makapag-aral lamang? Yung estudyanteng hindi nagpapatinag sa hirap ng buhay, at yung estudyanteng hindi iniinda ang estado o katayuan sa buhay makapag-aral lang. Masasabi kong ako ito. Oo!, para sa akin gaano man kalaki ang pasaning dinadala ko sa araw- araw na pagpasok ko sa paaralan, laban pa rin. Kahit maraming pagsubok ang dumadating, dapat huwag agad susuko.
Ang buhay ng estudyante ay sadyang hindi madali tulad ng iniisip ng iba, may ibat-ibang istorya sa bawat imahe at ngiti ng bawat mag-aaral. Sa yugtong ito, madalas tayong lumuluha dahil iniisip natin na hindi na natin kaya ang mga suliraning dumadating sa ating buhay ngunit lagi nating tatandaan na huwag tayong matakot na harapin ang bawat pagsubok na ito dahil mas napapatibay nito ang relasyon natin sa kapwa at sa Diyos. Bagamat araw-araw tayong hinahamon ng pagkakataon maging sa pamilya man ito o kaya naman sa paaralan. Bilang isa sa mga mag-aaral na kumuha ng strands na GAS, nakaka- stress talaga kapag narinig ko ang thesis revision, long at short quiz, exam, random graded recitation, reporting, group work at kung ano-ano pa. Sa kabuuan, kahit gaano pa man kalalim ang ilog na kailangan kong tawirin, susubukan ko pa rin, kahit ilang graded recitation pa ang kailangan kong sagutin, kakayanin ko pa rin, kahit ilang long at short pa ang kailangan kong sagutin, gagawin ko pa rin. Walang tulog, puyat, eye bags, kaya yan! Stress, natural na yan!.
At ngayon, ilang buwan na lang ay nalalapit na ang araw na pinakahihintay nating lahat ang "ARAW NG PAGTATAPOS". Inaalala natin dito ang mga pagsubok at tulay na dinaanan upang maabot ang pangarap na ito. Ang mga araw na naging mahina tayong harapin ang bawat hamon ng buhay ngunit ngayon, tanaw na tanaw at ramdam ko na ang unti- unti ko ng naisasakapaturan ng aking mga mithiin sa buhay. Subalit, bagamat ito ang pinakamasayang araw nating lahat, kaakibat pa rin nito ang lungkot sa isipan ng bawat isa. Masaya tayo dahil magsusuot na tayo ng itim na togang bunga ng paghihirap at pagsusumikap ng ating mga magulang ngunit malungkot naman dahil magpapaalam na tayo sa mga taong naging kasama natin sa yugtong ito ng ating buhay.
Sa kabila nito, lagi nating tatandaan na hindi pa ito ang huling yugto ng ating buhay kumbaga itoy simula pa lamang. Kaya pakatatag lang tayo dahil sa huli'y magtatagumpay din tayo at matutupad ang mga pangarap na inaasam.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment